Kahina-hinalang kahon sa EDSA styrofoam lang ang laman — NCRPO

0
46

Kinumpirma ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na hindi naglalaman ng anumang uri ng bomba ang isang kahina-hinalang kahon na natagpuang inabandona sa EDSA.

Tinukoy ni NCRPO chief Police Major General Guillermo Eleazar ang naturang kahon na inabandona partikular na sa bahagi ng Shaw Boulevard underpass na naglalaman lamang ng mga basura na karamihan ay styrofoam.

Samantala, nagdulot naman ang naturang pangyayari kanina ng mas matinding trapiko sa bahagi ng underpass dahil pansamantalang isinara ang lanes na malapit sa inabandonang kahon.

Kumilos din ang mga operatiba mula sa Explosive Ordinance Disposal para suriin ang laman ng box.