Franchise renewal ng 3 broadcasting companies aprub na kay Duterte

0
37

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga batas na nagpapalawig sa prangkisa ng tatlong (3) broadcasting firms.

Sakop ng naturang renewal ang SolidNorth Broadcasting System, Inc. (Republic Act 11366), Mareco Broadcasting Network, Inc. (RA 11367), at Radio Audience Developers Integrated Organization, Inc. (RA 11368) na nagbibigay ng panibagong 25 taon sa kanilang prangkisa.

Ginawa ng pangulo ang paglagda noong ika-8 ng Agosto, taong 2019.