‘Smokey Mountain Project’ contractor nabunyag ang umano’y tangkang gatasan ang gobyerno ng higit P1-B

0
46

Nabunyag ang pagtatangka umano ng contractor ng Smokey Mountain Project sa Tondo, Maynila na gatasan ang gobyerno ng mahigit P1 billion.

Kaagad kumilos ang Office of the Government Counsel para harangin ang anito’y aregluhan sa pagitan ng National Housing Authority (NHA) at R2 Builders kaugnay ng reclamation at development ng slump area sa Tondo.

Nabatid na nagtataka ang NHA sa kahandaang magbayad pa ng gobyerno sa R2 Builders gayung sumobra pa ng P300 million ang naibayad sa kumpanya bilang kumpensasyon.

Ang mediation ay ipinag utos ng Court of Appeals (CA) para maidaan sa amicable settlement ang isyu sa pagitan ng GOCC at R2 Builders na nag ugat sa kontrobersyal na housing project sa Smokey Mountain.

Una nang sumulat si Chief Government Corporate Counsel Elpidio Vega kay NHA General Manager Marcelino Escalada para ipaalam ang pagkakaiba ng record ng mga naturang ahensya at ang kaduda dudang hinihingi ng R2 Builders para sa nasabing settlement.