Saturday, May 18, 2024

Lacson duda sa utos ni Duterte sa takeover ng militar sa BOC

- Advertisement -

Duda si Senador Panfilo Lacson sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na military takeover sa Bureau of Customs (BOC).

Tinukoy ni Lacson ang nangyari nuong dekada sisenta kung kailan itinalaga ang mga sundalo sa customs para masawata ang katiwalian subalit nabigo ang strategy na ito.

Sinabi ni Lacson na nuong una ay hindi natinag at nasuhulan ang mga bata at sundalong opisyal subalit bumigay din matapos gumamit ng mga bata at magagandang babae ang mga sindikato.

Tiyak aniyang gagawin ng mga sindikato ang lahat ng paraan para malayang makapag-operate sa BOC.

Binigyang diin ni Lacson na ang kailangang gawin sa customs ay palakasin ang counter intelligence para bantayan at i-monitor ang lahat ng galaw sa ahensya.

(with report from Cely Ortega-Bueno)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -