MMDA command centers activated na sa paggunita ng ‘Undas’

0
51

Activated na ang lahat ng command centers ng MMDA kaugnay sa paggunita sa Undas.

Ipinabatid ito ni MMDA Spokesperson Celine Pialago para tugunan aniya ang pangangailangan ng mga motoristang ba biyahe sa araw ng mga patay.

Sinabi ni Pialago na mahigit sa tatlong libong personnel ang kanilang ipapakalat sa Metro Manila.

Partikular aniyang tututukan ng MMDA ang mga malalaking sementeryo tulad ng North Cemetery, South Cemetery, La Loma Cemetery, Libingan ng mga Bayani at Manila Memorial Park.

Ayon pa kay Pialago, nakaantabay na rin ang mga quadrant area tulad ng Philippine Sports Arena, Intramuros Golf Course sa Maynila, Villamor Airbase sa Pasay City at Veterans Golf Course sa Quezon City para magsilbing evacuation centers kung kakailanganin.