SMC namahagi ng libreng alcohol sa mga front line workers sa Metro Manila

0
13

Namahagi ng libreng rubbing alcohol ang San Miguel Corporation (SMC) para mga coronavirus disease (COVID-19) front lines sa Metro Manila.

Ayon kay SMC President Ramon Ang, naging katuwang ng SMC ang Food and Drug Administration (FDA) para makagawa ng rubbing alcohol at maipamahagi ito sa mga doktor, nurse, at iba pang health workers na sinasabing nasa front line sa paglaban sa virus.

Sinabi ni Ang na ipadadala ng DOH ang mga naturang rubbing alcohols sa mga pinaka-apektadong ospital sa Metro Manila.