Kalakalan sa bansa patuloy na bumabagsak dahil sa COVID-19 — PSE

0
19

Patuloy na bumabagsak ang kalakalan sa Philippine Stock Exchange (PSE) sa gitna ng umiiral na community quarantine sa Luzon dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Sa pagsasara ng trading day, kahapon, Marso 19, sumadsad sa 13.34 percent ang kalakalan sa Philippine Stock Exchange.

Sa pagbubukas pa lamang ng kalakalan ay bumagsak na sa 12. 4% o 4, 673. 58 ang bellwether ng market dahilan upang magkaroon ng circuit breaker kaya 15 minuto munang inihinto ang trading.

Ito na anila ang pinakamababang naitala sa loob ng walong taon.

Ayon kay Philstocks Financial Senior Equity Analyst Japhet Tantiangco, nananatili kasing takot ang mga investors dahil sa COVID-19 crisis sa Pilipinas dahil nangangahulugan aniya itong walang katiyakan ang ekonomiya sa Pilipinas.