Malaya may reaksyon sa panawagan ni Mayor Sotto

0
15

“Kung kaya ng ibang lokal na pamahalaan, kaya rin ng Pasig.”

Ito ang naging reaksyon ni Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya sa panawagan ni Pasig City Mayor Vico Sotto na payagang makabiyahe ang mga tricycle sa lungsod.

Sinabi ni Sotto, ito ay upang may masakyan ang mga health workers, at iba pang front line workers sa kasagsagan ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon kung saan suspendido rin ang mass transportation.

Dahil dito, nanindigan si Malaya na kung ang ibang Local Government Unit (LGU) ay nakahahanap ng paraan upang masolusyunan ang problema sa transportasyon ay nakatitiyak silang hindi na kailangan pang payagan ng Pasig ang mga tricycle na makabiyahe para sa mga health workers.

Sinabi ni Malaya, hindi kasi nila maintindihan kung bakit ipinagpupumilit ng lokal na pamahalaan ng Pasig na magamit ang tricycle gayong hindi wala naman naging  problema sa ibang LGU’s sa suspensiyon nito.

Una rito, matatandaang umapela si Sotto sa pamahalaan na huwag isama sa public transportation ban ang mga tricycle dahil ito aniya ang pangunahing mode of transportation ng mga health workers sa lungsod.