Tuesday, May 14, 2024

SLEX, Skyway maaring patawan ng TRB ng multa sa kabiguang matugunan ang problema sa trapiko doon

- Advertisement -

Posibleng pagmultahin ang operator ng South Luzon Expressway (SLEX) at Skyway dahil sa nararanasang matinding trapiko sa Northbound lane ng SLEX.

Sinabi ni Raymundo Junia, kumakatawan sa pribadong sektor sa Toll Regulatory Board (TRB) na maaaring magpataw ang TRB ng multa sa operator ng dalawang expressway dahil sa kabiguang matugunan ang problema sa trapiko.

Isa aniya sa pinag-aaralan ngayon ng board ang pagbabawas ng toll na sinisingil sa SLEX.

Ayon kay Junia sa ngayon ay hinihintay nila ang magiging alok ng SLEX at Skyway na maaaring maging kapalit ng puwerhisyo sa mga motorista at mga pasahero.

Nagsimula ang kalbaryo ng mga dumaraan sa Northbound ng SLEX nang isara ang bahagi ng Alabang viaduct noong gabi ng September 24 dahil sa patuloy na konstruksyon ng P10-B Skyway extension project.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -