Skeletal work force sa ilang gov’t offices kasado na

0
14

Kasado na ang skeletal work force sa ilang tanggapan ng pamahalaan.

Ito ay upang hindi ma-antala ang operasyon ng mga tanggapan ng gobyerno sa kabila ng paglalagay sa Metro Manila sa community quarantine simula bukas, ika-15 ng Marso, bilang pagtugon sa tumataas na bilang ng 2019 coronavirus disease (COVID-19) outbreak.

Sa abisong inilabas ng Department of Justice (DOJ), magpapatupad ang kagawaran ng 4-day work week kung saan magiging 10 oras ang trabaho, mula araw ng Lunes hanggang Huwebes para sa lahat ng mga empleyado ng Justice Department.

Sakop nito ang lahat ng korte sa National Capital Region, Court of Appeals, Court of Tax Appeals, Sandiganbayan at ang mga hukom sa first at second level courts.

Kaugnay nito, nilinaw naman ni Justice secretary Menardo Guevarra na magpapatuloy pa rin ang mga inquest proceedings at on-rotation ang mga prosecutors sa pagdinig sa mga preliminary proceedings.