Senado ‘business as usual’ pa rin —SP Sotto

0
17

Manananatiling ‘business as usual’ ang Senado.

Ito ang iginiit ni Senate President Vicente Sotto III sa harap ng napipintong pagsasailalim sa Metro Manila sa community quarantine.

Ayon kay Sotto, tuloy-tuloy ang trabaho sa Senado kung saan magpapatupad lamang sila ng skeletal schedule para sa kanilang mga empleyado.

Gayunman, mahigpit naman aniya nilang susundin ang anumang precautionary measure para manatiling ligtas sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang Senado.