Iminungkahi ni Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson na magandang susunod na makalaban ni fighting Senator Manny Pacquiao ang British boxer na si Amir Khan.
Ayon kay Singson, kahit na wala pang boxing title si Khan, ito ay sikat sa bahagi ng Europe at Arab Countries kung kaya’t malaking pera ang maaaring kitain sa dalawang boksingero.
Matatandaang, pinabulaanan ng kampo ni Pacquiao ang naging pahayag ng British boxer na umano’y inaayos anilang kasunduan para sa laban sa Nobyembre ngayong taon.
