Chile niyanig ng 7.2 magnitude na lindol

0
20

Niyanig ng magnitude 7.2 na lindol ang karagatang bahagi ng Chile.

Ayon sa sa United States Geological Survey (USGS), tumama ang lindol sa may 134 na kilometro kanluran ng Talca at may lalim na 6.1 milya.

Samantala, wala namang nakikita ang mga otoridad na banta ng tsunami kasunod ng nangyaring lindol.

Magugunitang kita ang bansang Chile sa Pacific ring of fire, kung kaya’t palagi itong nakakaranas ng paglindol.