Isinusulong ni Senator Grace Poe, Chairman ng senate committee on public services ang pagbuo ng National Transportation Safety Board (NTSB).
Ayon kay Poe, nakakaalarma ang mga aksidente sa mga kalsada kung kaya’t nararapat lang na may ahensya na mag iimbestiga ng mga naturang insidente at mabago ang mga safety standards sa sektor ng transportasyon.
Dagdag pa rito, ang inirerekomendang ahensya ay maaaring makapagsagawa rin ng sariling imbestigasyon maging sa mga aksidente sa himpapawid, highways, riles at karagatan.
Samantala, M50-P naman ang magiging paunang pondo ng NSTB kung ganap na itong maipasa.