Singson kumpiyansang mananalo bilang 3rd telco player

0
52

Kumpiyansa si dating Ilocos Sur Governor Luis Chavit Singson na mananalo bilang 3rd telco player ang kanyang consortium na LCS Group TierOne Communications.

Ayon kay Singson, ang nasabing kumpanya na napasama bilang isa sa potential bidder ay mag-aalok ng mababang singil sa serbisyo, mabilis at direktang koneksyon.

Ipinagmalaki rin ni Singson ang pagkakaroon ng kumpaniya ng satellite na wala aniya sa ibang bidders.

Ang satellite umano ang magiging daan upang mabigyan ng mas mabilis na internet connection ang publiko pati na rin ang mga lugar na dati ay hindi naaabot ng signal o ang mga tinatawag na “unserved”.