NTC inireklamo ng PT&T

0
57

Inireklamo ng Philippine Telegraph and Telephone Corp. (PT&T) ang National Telecommunications Commission (NTC).

Ito’y matapos umanong bigyan ng NTC ng sampung taong technical requirement na pabor sa mga dayuhang kumpanya na gustong pumasok bilang ikatlong telco player ng bansa.

Ayon kay PT&T president at chief executive officer James Velasquez, hindi sila kasama sa binigyan ng minimum 10-year technical requirement certificate bagaman lagpas na sila sa nasabing kategorya.

Nais ng PT&T na humingi sa korte ng tinatawag na “declaratory relief” upang tanggapin ang kanilang bid para sa magiging 3rd telco player sa bansa.

Kasabay nito, nilinaw ng kumpaniya na hindi nila layong guluhin o maantala ang pagbubukas ng mga bid ngayong araw para sa ikatlong telco player ng Pilipinas.