Pananatili ng 6.7 inflation rate nuong Oktubre positibong tinanggap ng Palasyo

0
42

Positibo ang naging pagtanggap ng Malakanyang sa pananatali ng inflation rate ng bansa sa 6.7 para sa buwan ng Oktubre.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nagpapakita lamang ito na nagbunga ang hakbang na ginagawa ng Department of Finance (DOF) upang mapigil ang pagtaas ng inflation rate.

Ilan sa mga inilataga na paraan ng DOF ay ang paglalagay ng suggested retail price sa mga pangunahing bilihin, hindi paghihigpit sa pagpasok ng mga imported products, pagbibigay ng pinansyal na ayuda sa sektor ng transportasyon at iba pa.

Kaugnay nito, umaasa ang Malakanyang na kung hindi man mapanatili ay tuluyan nang bumaba ang presyo ng bilihin at serbisyo sa mga susunod na buwan.