Friday, May 3, 2024

Singson ‘di patitinag sa mga batikos sa panukalang 2 yr. probie sa mga manggagawa

- Advertisement -

Hindi patitinag si Probinsyano Partylist Rep. Jose Singson na mga bumabatikos sa kanyang panukalang batas na gawing dalawang taon ang probationary period sa mga manggagawa.

Ayon kay Singson, kung may bumabatikos ay marami naman ang nagpahayag ng pagsuporta sa kanyang panukala dahil nakita umano ng mga ito na pro – labor ang kanyang House Bill 4208.

Muling iginiit ni Singson na ang 2 – year probationary period ang tatapos sa endo dahil po-protektahan nito ang mga manggagawa mula sa pagkatanggal sa trabaho kada anim na buwan.

Aniya, handa siyang makipag debate sa mga kapwa – kongresista para madepensahan ang kanyang panukala.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img