Wednesday, May 1, 2024

DILG nanawagang respetuhin ang revamp sa PNP

- Advertisement -

Nananawagan ang Department of Interior and Local Government o DILG sa lahat ng mga police officials na respetuhin ang ipinatupad na balasahan sa hanay ng Philippine National Police.

Ayon kay Undersecretary Jonathan Malaya, binigyan ng awtoridad nina Pangulong Rodrigo Duterte, Interior Secretary Eduardo Año at ng NAPOLCOM si PNP OIC Chief Police Lt. Gen. Archie Gamboa.

Iginiit ni Malaya, mahalaga ang isinagawang balasahan para muling makuha ng PNP ang tiwala at pananalig ng taumbayan at ng pangulo.

Kasabay nito, hinimok ni Malaya ang buong organisasyon ng PNP na suportahan ang programa ni Gamboa.

Una rito, sinabi ni Malaya na may nagtatanong aniya sa DILG kung may kapangyarihan ba si Gamboa na magpatupad ng balasahan sa PNP gayung OIC lamang ito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img