Singaporeans obligado magsuot ng face mask sa kanilang bansa

0
18

Obligado nang magsuot ng facemask ang mga taga-Singapore matapos lumobo ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa nabanggit na bansa.

Ayon sa ulat, papatawan ng multa na aabot sa $300 Singapore dollars o $212 U.S. Dollars ang mga mahuhuling walang suot na facemask.

Ang mga tinatawag namang repeat offenders ay posibleng usigin sa korte o kaya’y gawaran ng mas mataas na multa.