Taiwan nag-donate ng 300,000 face masks sa Pinas vs. COVID-19

0
27

Nag-donate ng  300,000 pirasong face mask ang Taiwan sa Pilipinas bilang suporta sa giyera kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ang donasyon ay tinanggap mismo ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Vice Chairman Gilberto Lauengco mula kay Taipei Economic and Cultural Office Representative Michael Hsu.

Ayon sa MECO, tinatayang  1-M pirasong face mask na ang nai-donate ng Taiwan sa mga kaalyado nitong bansa sa buong mundo.