China pumayag na masubukan sa tao ang 2 experimental vaccines vs. COVID-19

0
16

Pumayag na ang China na masubukan sa tao ang dalawang experimental vaccines na posibleng panlaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon sa ulat, ang dalawang bakuna ay ginawa ng Beijing-based unit ng Sinovac Biotech at Wuhan Institute of Biological products na konektado sa China National Pharmaceutical Group.

Umakyat na sa 82,249 coronavirus cases ang naitala sa China habang mahigit 3,000 ang nasawi.