Wednesday, May 15, 2024

Similac binawi sa merkado

- Advertisement -

Boluntaryong binawi sa merkado ng Abbott Laboratories Inc., ang isang batch ng infant milk na Similac.

Batay sa abiso ng Food and Drug Administration (FDA), pina-recall mismo ng kumpanya ang Similac Tummicare 1 Infant na may batch number na 03-51-8-QU at manufactured date na March 2019 at expiry date na March 2022.

Ayon sa FDA, napag-alaman kasi ng kumpanya na may iregularidad sa produkto matapos ang ilang reklamo na natanggap nila mula sa mga customer hinggil dito.

Dagdag pa ng ahensiya, sinabi ng kumpanya na nagkaroon ng pagkakaiba sa label instruction at preparation scoop size ang mga naturang produkto.

Gayunman, tiniyak naman ng kumpanyan na wala naman silang natanggap na ulat ng anumang insidente dahil dito.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -