30.9 C
Manila
Friday, March 29, 2024

Anti-Subversion law suportado ng DILG

- Advertisement -

Suportado ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang muling pagbuhay sa Anti-Subversion law .

Ayon kay Undersecretary Epimaco Densing III, wala namang dapat na ikabahala ang mga mamamayan sa bubuhaying batas dahil iba ito sa batas na pinairal noong kapanahunan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ayon kay Densing, non-military na approach ang paiiralin kung saan ay bibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan sa isang maayos na pamumuhay.

Ipinunto ni Densing na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Anti-Subversion law lalo na at daan-daang mag aaral ang nare-recruit ng mga rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) na dinadala sa mga kabundukan kung saan isinasalang ang mga ito sa indoctrination.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Densing na ilan sa mga organisasyong ito ay ang bayan muna at ang kababaihang grupo ng Gabriela.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -