Kahon na inabandona sa ilalim ng EDSA-Shaw underpass nagdulot ng matinding traffic

0
53

Nagdulot ng matinding bigat sa daloy ng trapiko ang kahina-hinalang kahon na inabanona sa center island sa ilalim ng EDSA Shaw Boulevard.

 Ayon kay MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, agad na kinordonahan ng mga tauhan ng Mandaluyong police ang naturang kahon.

Sa pagsisiyasat ng mga otoridad, napag alaman na pawang styrofoam lamang ang laman ng kahon.

Isinira ng MMDA ng ilang minuto sa mga motorista ang northbound at southbound lane sa EDSA-Shaw underpass.

 Paliwanag ni Nebrija, ang naging aksyon ng mga otoridad ay para lamang matiyak na walang laman na mapanganib na bagay ang kahon, gaya na lamang ng mga pampasabog.