Si Francis Tolentino ang nagtutulak na magkaroon ng bagong lider sa Senado — Lacson

0
47

Ibinulgar ni Senador Panfilo Lacson na si Senator Elect Francis Tolentino ang siyang nag tutulak na magkaroon ng bagong lider ang Senado.

Ayon kay Lacson, si Tolentino ang siyang kumakausap kay Villar para hamunin nito ang liderato ni Senate President Tito Sotto.

“Bakit ganon ang kanyang direction, eh hindi pa naman niya natitikman yung liderato ni Senate President Sotto eh.”

Sa kabila nito, kumpiyansa naman si Lacson na solido pa rin ang suporta ng mga senador kay Sotto.

“Eh lahat naman kontento at nasisiyahan sa kanyang liderato at unprecedented nga yung trust approval at trust rating ng Senado under his leadership.”