BOC patuloy ang pagbabantay kontra African Swine Fever

0
54

Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Bureau of Customs para hindi makapuslit sa bansa ang karne at meat products na mula sa mga bansang apeltado ng African Swine Fever.

Ayon sa BOC, tanging mga importer na mayroong kaukulang papeles mula sa gobyerno ang tanging papayagan na magpasok ng karne sa bansa.

Ngayong linggo ay ipinagbawal na rin ang importasyon ng karne ng baboy mula sa Belgium, Bulgaria, Cambodia, Czech Republic, Moldova, Monglia, South Africa , Vietnam at Zambia.