Thursday, May 2, 2024

Shootout sa Palawan iniimbestigahan na ng DOJ

- Advertisement -

Iniimbestigahan na ng Department of Justice (DOJ) ang nangyaring shootout sa Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa, Palawan na kinasangkutan ng mga opisyal ng kulungan.

Ayon kay DOJ secretary Menardo Guevarra, kanya nang inatasan si undersecretary Deo Marco na magsagawa ng internal investigation para matukoy ang dahilan ng insidente.

Ipinag-utos din aniya ang pagsusumite sa magiging resulta ng pagsisiyasat sa lalong madaling panahon.

Batay sa ulat, nagpatupad ng lockdown sa Iwahig Penal Colony matapos magkaroon ng engkuwentro sa pagitan ng monitoring team ng Bureau of Jail and Management and Penelogy (BJMP) at isang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor), umaga ng unang araw ng Marso.

Sinasabing naunang nagpaputok ng baril ang team leader ng BKMP monitoring team dahilan naman para gumanti ang isang BuCor official.

Wala namang lumabas na ulat kung ilan ang nasaktan sa nabanggit na shootout incident.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img