‘Shit happens’ ni Bato dinipensahan ng Palasyo

0
50

Dinipensahan ng Malacañang ang naging komento ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na “shit happens” sa sinapit ng tatlong taong gulang na bata sa isang buy bust operations sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi intensyon ni Dela Rosa na makasakit sa binitiwan nitong pahayag.

Anya, ang ibig sabihin lamang nito ay maaring mangyari ang anumang aksidente sa kasagsagan ng police operations.

Kaugnay nito, nilinaw rin ni Panelo na “expression” lamang at hindi dapat masamain ang naging pahayag ni Dela Rosa.

Samantala, iginiit naman ni Panelo na ibang usapan na kung manlalaban o magpapaputok ng baril ang mga target sa operasyon.