Pagbagal ng inflation ikinalugod ng Palasyo

0
51

Labis na ikinatuwa ng Malacañang ang naitalang 2.7% na inflation rate para sa buwan ng Hunyo.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, patunay lamang ito na epektibo ang mga hakbang ng pamahaan upang pagililan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.

Dahil dito, pinapurihan ni Panelo ang mga economic managers para sa maayos na trabaho at maging ang mga mambabatas na nagpasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Anya, malaki kasi ang naitulong ng TRAIN law sa pagbagal ng inflation rate.