Oil price rollback epektibo ngayong araw

0
41

Nag-abiso na ng tapyas-presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis.

Ito ay matapos ang tatlong linggong sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

Unang magpapatupad ng rollback ang Phoenix Petroleum, 12 ng tanghali ngayong araw.

Aabot sa P0.40 ang bawas sa kada litro ng diesel, habang wala namang ipatutupad na rollback sa presyo ng gasolina at kerosene.

Samantala, inaasahan rin namang mag-anunsyo na rin ng kanilang oil price adjustment ang iba pang kumpanya.