Senior citizens, PWD workers dapat pasahurin ng tama — DOLE

0
16

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong kumpanya na bigyan ng patas na sahod ang mga trabahador na senior citizens at mga Persons With Disability (PWDs).

Ito ang naging pahayag ni Labor Assistant Secretary Benjo Santos Benavidez, kasunod ng nagtrending sa social media na larawan ng mga senior citizens at PWDs na nagtatrabaho sa mga fast food chain at mga restaurant sa Metro Manila.

Aniya, may polisiya ang pamahalaan sa ilalim ng Republic Act No. 10911 o ang Anti-Age Discrimination Law na nagsusulong ng equal access to employment sa kahit na anong edad, kasarian o abilidad.

Dagdag pa rito, nakasaad rin sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng naturang batas ang pagbabawal sa mga employer na magtakda ng edad sa kani-kanilang publication kapag naghahanap ng kanilang trabahador.

Samantala, hindi kabilang sa naturang batas ang pagpupulis, construction worker at iba pa.