Regular milled rice mabibili na sa mababang presyo

0
18

Mabibili na sa mababang presyo ang regular milled rice sa mga pamilihan sa bansa.

Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez, may mabibili nang P28, P32 at P34 na regular milled rice sa merkado.

Habang ang imported well – milled rice naman ay mabibili ng 33 hanggang 35 pesos kada kilo.

Aniya, pabor ang ganitong presyuhan ng bigas sa mga mamimili dahil mayroon silang mapagpipilian.