Kongreso suportado sakaling humingi ng karagdagang pondo ang ICAD

0
12

Susuportahan ng Kongreso kung hihingi ng karagdagang pondo ang Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ito ay matapos imungkahi ni Vice President Leni Robredo na taasan ang P15-million pondo para sa ICAD sa ilalim ng 2020 national budget.

Ayon kay House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert ‘Ace’ Barbers, makatutulong ang karagdagang pondo para mabigyan ng mga kakailanganing gamit ang mga tauhan ng ICAD para sa kanilang operasyon kontra ilegal na droga.

Aniya, bukod sa mga armas at mga bala ay sinusuportahan din aniya ang panukalang paggamitin ng body cameras ng mga operatiba.

Samantala, matatandaang inanyayahan ng mambabatas ang bise presidente sa isang pagpupulong sa Kamara upang matugunan nila kung may kakailanganin itong lehislayon para sa kanyang ikakasang estratehiya sa pagsasawata sa ilegal na droga sa bansa.