Senate panel isusumite ang federal charter report sa May 20

0
38

Isasalya na ng Senate committee on constitutional amendments and revision of codes ang committee report sa mga panukalang amiyendahan ang konstitusyon.

Ito ayon kay committee chair Senador Francis Pangilinan ay sa pagbabalik ng sesyon ng Kongreso sa may 20 bagama’t tumanggi itong sabihin kung irerekomenda nila ang charter change at federalismo.

Kapag naisumite na ang panukala sa plenaryo, tatalakayin na ito ng mga senador at isusulong ang mga posibleng amyenda rito.

Mayroon lamang tatlong linggo ang Kongreso bago ang sine die adjournment sa June 7.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
—–