PH may potensyal na maging fastest growing economy sa Asya

0
53

May potensyal ang Pilipinas para maging fastest growing economy sa Asya.

Ito ang paniniwala ng Asian Development Bank (ADB), dahil sa anito’y infrastructure projects ng gobyerno, reporma sa buwis at mas batang manggagawa.

Ayon kay ADB Chief Economist Yasuyuki Sawada, indikasyon din ng fundamental strength ng ekonomiya ng Pilipinas ang credit rating upgrade na natanggap ng bansa mula sa S&P Global kung saan napanatili ang economic growth sa higit anim na porsyento.

Ang gross domestic product (GDP) growth ng Pilipinas ay isa sa pinakamabilis sa Asya kasama ang China at Vietnam.

—–