Saturday, May 4, 2024

Mga supporters ni Sen. Ejercito maglalabas ng kakaibang puwersa

- Advertisement -

Maglalabas na ng kakaibang puwersa ang mga supporter ni Senador JV Ejercito ngayong Sabado.

Inanunsyo ito ni Tony Garcia, executive director ng JV para sa Bayan Movement kasabay ang pag-imbita sa lahat na ipakita ang suporta sa tinaguriang the Good One Ejercito para mailuklok muli sa Senado.

Sinabi ni Garcia na idineklara na nila ang Mayo 4 bilang JV Day kung saan ipakikita na ang buong puwersa ng suporta sa reelectionist senator.

Binigyang diin ni Garcia na si Ejercito talagang the good one dahil sa 18 taong pagseserbisyo nito sa gobyerno malinis ang track record nito at hindi kailanman nasangot sa anumang anomalya o korupsyon.

Patunay aniya nang masigasig na pagtatrabaho ni Senator JV ang halos walumpung mga batas na isinulong nito na sadyang nakakatulong sa mga mamamayan tulad ng universal health care at pagtatayo ng Department of Human Settlements and Urban Developments.

Kabilang sa mga sasali sa JV Day ang Junior Chamber International Philippines na isang grupo ng civic minded professionals at una na ring pinamunuan ni Senator JV Ejercito.

with report from Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)
—–
- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img