Senador tiwalang kakatigan ng SC si Trillanes

0
43

Tiwala si Senate Minority Floor Leader Franklin Drilon na mabibigo lang ang sinumang aapela sa Korte Suprema ng naging desisyon ni Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 Judge Andres Soriano.

Kaugnay ito ng pagpabasura sa petisyon ng Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng warrant of arrest at hold departure order laban kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Drilon, nakatitiyak siyang kikilalanin ng Korte Suprema ang desisyon ng Makati RTC Branch 148 bilang trier of facts.

Naniniwala rin si Drilon na hindi na pakiki-alaman ng Korte Suprema ang naging factual findings ng mababang hukuman sa kaso ni Trillanes.