NBI pasok na rin sa kaso ng ‘Sagay 9’

0
49

Pasok na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsisiyasat hinggil sa kaso ng pagpatay sa siyam na mga magsasaka ng tubo sa Sagay City, Negros Occidental.

Ito ay matapos na atasan ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang NBI na magsagawa na rin ng sariling imbestigasyon sa insidente.

Ang nasabing hakbang ay tugon ni Guevarra sa panawagan ng ilang grupo sa DOJ na gamitin na nito ang lahat ng ligal na paraan para mapanagot ang nasa likod ng nabanggit na krimen.

Una nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na New People’s Army (NPA) ang nasa likod ng pagpaslang sa siyam na magsasakang miyembro ng National Federation of Sugar Workers (NFSW).

Habang inahalintulad naman ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang pag-okupa ng mga biktimang magsasaka sa bahagi ng Hacienda Neneng sa ginawa noon ng grupong Kadamay.

(with report from Bert Mozo)