Thursday, May 2, 2024

Pagpapatupad ng dagdag pasahe pinatitigil sa LTFRB

- Advertisement -

Ipinatitigil sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang implementasyon ng pisong taas pasahe sa mga pampublikong jeepney at bus sa susunod na buwan.

Batay sa inihaing motion for reconsideration ng oppositor na si Arlis Acao mula sa Camarines Norte, iginiit nito na hindi na magiging makatarungan ang nakaambang dagdag pasahe para sa milyon milyong Pilipinong nagsasakripisyo na rin dahil sa mataas na inflation rate.

Dagdag ni Acao, lalo lamang yayaman dito ang mga jeepney at bus operators at mas lalaki ang kita ng mga drivers na kumikita na aniya ng isang libo kada araw.

Sinabi pa ni Acao, may mga ebidensiya siyang magpapatunay na mas mataas pa ang kita ng mga drivers kaysa sa minimum wage na P512 kada araw.

Binigyang diin ni Acao na dalawamput limang porsyento ng mga commuters ay walang trabaho, senior citizens, estudyante at persons with disability (PWD).

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img