34.3 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Senado pinahaba ang oras ng sesyon para talakayin ang 2019 budget

- Advertisement -

Pinahaba ng Senado ang oras ng kanilang mga sesyon simula ngayong Martes para pag-usapan ang panukalang national budget.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, sisimulan nila ang sesyon ng alas-10:00 ng umaga at walang itinakdang oras ng pagtatapos.

Sinabi ni Sotto na makakaroon na rin ng sesyon tuwing Biyernes na dati ay walang pasok.

Gayunman, aminado si Sotto na kahit pahabain nila ang kanilang sesyon, malabo pa rin nilang maihabol ang pagpasa ng panukalang budget para sa susunod na taon.

Dahil aniya ito sa kabiguan ng Mababang Kapulungan na ipasa sa kanila ang kanilang bersyon ng panukalang budget.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -