28.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

November inflation posibleng bumagal sa 6.4%

- Advertisement -

Posibleng bumagal sa 6.4 percent na lamang ang inflation rate nitong Nobyembre dahil sa mas malakas na piso at pagbaba ng presyo ng pagkain at langis.

Ayon ito kay Chidu Narayanan, ekonomista sa Standard Chartered Asia.

Sinabi ni Narayanan na malaki rin ang posibilidad na bumalik na sa orihinal na dalawa hanggang apat na porsyentong target ng pamahalaan ang consumer price index.

Sinabi ni narayanan na lahat ng mga bagay na nagpapataas sa inflation ay humupa na tulad na lamang ng presyo ng langis.

Una rito, umabot sa 6.7 percent o pinakamataas sa nagdaang sampung (10) taon ang inflation rate nitong Setyembre at Oktubre.

Bukas, nakatakdang ihayag ng pamahalaan ang inflation rate para sa Nobyembre.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -