31.8 C
Manila
Friday, April 12, 2024

Gobyerno kinalampag para mapababa ang presyo ng mga bilihin

- Advertisement -

Kinalampag ng Laban Konsyumer ang mga ahensya ng pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay dating Trade Undersecretary Vic Dimagiba, Pangulo ng Laban Konsyumer, umabot na sa dalawampu’t limang (25) porsyento ang ibinaba ng presyo ng petrolyo sa nakalipas na dalawang buwan pero nananatiling mataas at tumataas pa ang mga bilihin.

Tinukoy ni Dimagiba ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agriculture (DA) na pangunahing mga nagmomonitor sa presyo ng mga bilihin.

“Sila ang dapat araw-araw na marinig natin eh, gagawin namin ‘yan, pabababain natin ang presyo, eh hindi naman natin sila naririnig eh, ga kuripot ‘yung itinaas sa suweldo P25 dito na lang sila bumawi, i-lower nila ang presyo ng mga pangunahing bilihin, on December 5 ‘yung mga sardinas diba nag-announce na magtataas ng P0.50 to P0.80 dapat ‘yan pigilan na ng DTI hangga’t mapipigilan, huwag na muna tingnan muna natin, i-review natin ‘yan, tapos ang nakakatawa pa diyan ang nag-aannounce ay ang asosasyon ng sardinas hindi ang DTI eh.” Ani Dimagiba

Kasabay nito ay nanawagan si Dimagiba sa Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang rekomendasyon ng kanyang economic managers na huwag ituloy ang nauna nilang rekomendasyon na suspindihin ang paniningil sa ikalawang bugso ng excise tax sa langis, simula sa Enero ng susunod na taon.

(Ratsada Balita Interview)

 

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -