Senado nais makipagpulong kay Pangulong Duterte kaugnay sa ‘vape ban’

0
13

Nais makipagpulong ng Senado kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa ipinag uutos nitong pagbabawal sa vape.

Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, gusto nilang malaman kung outright ban ang gusto ng pangulo dahil nangangailangan ng batas kaugnay sa naturang usapin.

Aniya, maari rin kasing maging regulasyon lamang ito dahil una nang naging pahayag ng pangulo na maaari lamang mag vape sa loob ng kani-kanilang mga bahay.

Sa huli, iginiit ng senador na mas magandang maglabas na ng executive order ang pangulo para may basehan lalo na sa hanay ng Philippine National Police (PNP) na siyang inatasan na mag aresto sa mga lalabag sa utos nito.