Pag ban sa vape at importasyon nito tinututukan ng NCRPO

0
7

Prayoridad na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagtutok sa pag ban sa vape at maging ang importasyon nito sa bansa.

Ayon kay NCRPO Chief Police Brigadier General Debold Sinas, itong hakbangin ay alinsunod sa utos ni Pangulong Duterte.

Aniya, kanilang titiyakin na ang lahat ng lalabag sa panuntunan ay aarestuhin at irerecord sa blotter list.

Bukod sa LGUs o Local Government Units ay nakikipagtulungan narin ang NCRPO sa mga mall at sa mga may ari ng tindahan ng vape para siguruhin ang pagsunod ng mga ito sa vape ban.

Samantala, batay sa datos ng NCRPO, nasa sampu na ang lumalabag sa Sta. Cruz at Malate, Maynila maging sa Makati City.