“No-late, no absent policy” ipatutupad ng Bureau of Immigration

0
16

Ipapatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang kanilang “No leave, no absent policy”.

Ito ay para umalalay sa pagdagsa ng pasahero ang kanilang mga empleyado sa mga airport sa bansa kasunod ng nalalapit na SEA Games at paggunita ng pasko.

Ayon kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, kanila nang inatasan ang lahat ng empleyado ng immigration na huwag nang sabayan ang pagdagsa ng mga pasahero na darating sa bansa.

Inaasahang namang madaragdagan pa ang bilang ng pasahero ngayong taon dahil sa holiday rush gayundin ang pagdating ng mga delegado na dadalo sa SEA Games 2019.

Samantala, tiniyak naman ni Medina na mas mabilis na ang pagpoproseso sa mga terminal ngayon kaysa noong nakaraang taon.