Tuesday, May 7, 2024

Senado muling magsasagawa ng pagdinig sa lumalalang prostitusyon

- Advertisement -

Posibleng magsagawa muli ang Senado ng panibagong pagdinig dahil sa paglala ng prostitusyon sa bansa.

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, Chairperson ng Senate Committee on women, children, family relations and gender equality, ito ay kasunod ng pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Deputy Dir. Vicente de GuzmanĀ III na may koneksyon ang pag-tindi ng prostitusyon sa pagsulputan ng Phil. Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Sinabi ni Hontiveros na kabilang sa mga nakatakda nilang imbitahan sa pagdinig ang kinatawan ng Chinese Embassy dahil sa pang-aabuso umano ng ilang Chinese nationals sa kanilang pribelehiyo sa visa upon arrival na posibleng dahilan kaya’t maraming Chinese nationals ang sangkot sa prostitusyon sa Pilipinas.

Gayundin aniya ang kinatawan ng ilang mga hotel na napabalitang sangkot sa iligal na aktibidad.

Matatandaang, batay sa datos ng mga otoridad, mula taong 2019 nasa higitĀ 100 mga babae ang nasagip sa mga prostitution dens.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img