Pasok sa Kamara suspendido muna —House SolGen

    0
    19

    Pansamantala munang suspendido ang pasok sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

    Ito ay matapos na magpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19) ang isang empleyado ng Kamara.

    Ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales, walang travel history sa mga bansang may positibong kaso ng COVID-19 ang naturang pasyente kaya’t tinutukoy pa ng mga otoridad kung paano ito nahawa ng virus.

    Dahil dito, ani Montales, minabuti na lamang nilang suspindihin ang pasok ng mga empleyado sa Kamara para hindi na kumalat pa ang virus.

    Gayunman, magpapatupad pa rin naman sila ng skeletal work force upang hindi maantala ang kanilang operasyon kung saan maaring matamasa ng mga empleyado ang ‘work from home arrangement’.

    Samantala, binigyang-linaw naman ni Montales na tuloy pa rin ang mga committee hearings at conferences, ngunit ilalatag nila ang mas mahigpit na health protocols kabilang na ang social distancing.