Senado bubusisiing mabuti ang 2019 proposed national budget

0
62

Masusing bubusisiin ng Senado ang panukalang pambansang budget sa 2019 oras na maisumite na ito ng MalacaƱang sa Kongreso.

Ito ang tiniyak ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto matapos namang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang gabinete ang 3.757 trillion pesos na proposed 2019 national budget.

Ayon kay Recto, kanilang hihimayin nang husto ang nasabing panukalang budget para matiyak na magagamit ito nang tama at makatuwiran.

Sinabi ni Recto, kabilang sa susuriin nilang mabuti ang planong pangungutang ng MalacaƱang ng 1.2 trillion pesos para mapunuan umano ang naasahang kakulangan sa budget sa 2019.

Iginiit ni Recto, dapat maging maingat ang pamahalaan sa pangungutang at matiyak na produktibo ang paglalaanan nito.

(Ulat ni Cely Bueno)