30 C
Manila
Saturday, January 29, 2022

Pangulong Duterte nagpatawag ng national security council meeting—SP Sotto

- Advertisement -

Nagpatawag ng National Security Council meeting si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw.

Ito ang kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III matapos na mapabilang sa mga naimbitahan sa pagpupulong na nakatakdang ganapin mamayang alas-4:00 ng hapon.

Gayunman, sinabi ni Sotto na wala siyang ideya kung ano ang agenda o tatalakayin sa biglaang national security council meeting na ipinatawag ng Pangulo.

Una rito nakatakda sanang makipagkita si Sotto kay Consultative Committee Chairman at dating Chief Justice Reynato Puno pero nakansela ito.

Karaniwan namang nagpapatawag ng national security meeting ang Pangulo kapag may mahalagang usaping panseguridad ang kinakailangang talakayin.

(Ulat ni Cely Bueno)

 

 

 

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -

SURVEY QUESTION OF THE WEEK

Kailangan bang may malawak na karanasan at mataas na pinag aralan ang mga tatakbo sa pagka Presidente at Bise Presidente? Oo o Hindi?

- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -